Dalawang mangingisda patay sa lumubog na bangka: BRP Tubbataha sumaklolo

Ni NERIO AGUAS

Dalawa katao ang iniulat na nasawi matapos ang paglubog ng isang fishing boat sa karagatan sakop ng Baganga, Davao Oriental.

Base sa pinakahuling ulat, mula sa isa inisyal na nasawi sa insidente ay naging dalawa na matapos na matagpuan ang isa pa na unang iniulat na nawawala.

Ayon sa ulat, dakong alas-12:00 ng madaling-araw nang mangyari ang insidente na kinasasangkutan ng MV/Genesis 2.

Sa pahayag ng kapitan ng Genesis 2 na si Allan Donaire, sinabi nitong nakaranas ito ng pagbabago ng kondisyon ng dagat hanggang sa salpukin ng alon dahilan upang lumubog ang kalahati ng bangka makalipas ang isang oras.

Agad namang sumaklolo ang Philippine Coast Guard (PCG) at ipinadala ang BRP Tubbataha (MRRV-4401) kung saan agad na sinaklolohan ang mga crew ng nasabing bangka.

Sa crew manifest, 23 ang crew ang Genesis 2 kung saan 14 sa mga ito ang nailigtas habang 7 pa ang nawawala.

Tumulong din ang ilang fishing boats na di kalayuan sa insidente at nagsagawa ng search and rescue (SAR) operations hanggang sa masagip at mailigtas ang 14 crew.

Nagpadala rin ng bangka ang fishing company ng nasabing bangka para magsagawa ng SAR operations.

Leave a comment