
NI MJ SULLIVAN
Kapwa niyanig ng paglindol ang lalawigan ng Davao Oriental at Davao Occidental ngayong araw, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Sa datos ng Phivolcs, dakong alas-6:26 ng umaga nang tumama ang magnitude 3.9 na lindol sa layong 066 km timog silangan ng Governor Generoso, Davao Oriental.
May lalim itong 030 km at tectonic ang origin.
Ganap namang alas-2:17 ng madaling-araw nang tumama ang magnitude 3.4 sa layong 125 km timog silangan ng Sarangani Island, sa bayan ng Sarangani, Davao Occidental.
Natukoy ang sentro sa lalim na 108 km at tectonic din ang origin.
Wala namang naging epekto ang nasabing dalawang paglidol at wala ring inaasahang aftershocks sa mga susunod na oras at araw.
