Kamara at PBBM isusulong ang kapakanan ng mga Pinoy seafarers — Romualdez

Speaker Ferdinand Martin Romualdez

Ni NOEL ABUEL

Ipinarating ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez sa mga Filipino seafarers ang buong suporta ng Kongreso sa inisyatiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. na naglalayong pangalagaan ang kanilang mga karapatan, kapakanan, at kagalingan at itaguyod pati ang buong bansa at ang maritime sector.

“Under President Marcos’ leadership, we are committed to fostering an enabling environment that promotes the welfare of seafarers, supports the growth of the maritime industry, and advances sustainable practices,” sabi ni Romualdez sa kanyang mensahe bilang pangunahing pandangal sa International Transport Workers’ Federation (ITF) Seafarers’ Expo sa CCP Complex sa Pasay City.

Dumalo rin sina Department of Migrant Worker (DMW) Secretary Susan Ople at House Deputy Speaker Raymond Democrito Mendoza sa expo na inorganisa ng ITF, na kinilala bilang boses ng dalawang milyong marino sa mundo.

Binanggit din ni Romualdez na ang mga Filipino seafarers ang buhay ng industriya ng maritime, na nagbibigay ng napakalaking kontribusyon sa ekonomiya ng bansa.

Noong 2022, tinatayang 489,852 Filipino seafarers ang na-deploy sa ibang bansa, na bumubuo sa humigit-kumulang 25% ng mga marino sa mundo.

At noong 2019, ang mga Filipino seafarers ay nag-remit ng 6.5 bilyong US Dollars sa Pilipinas o humigit-kumulang 1.7% ng GDP ng ating bansa sa taong iyon.

“One of the significant milestones that we intend to achieve in Pres. Marcos’ tenure is the enactment of the Magna Carta of Filipino Seafarers,” sabi ni Romualdez.

Ang Magna Carta of Seafarers o ang House Bill (HB) No.7325, ang isa sa 33 ng 42 priority legislation ni Pangulong Marcos na inaprubahan ng Kamara bago ang pagtatapos ng First Regular Session ng 19th Congress at nasa kamay na ito ng Senado.

Sinabi ni Romualdez na ang Magna Carta of Filipino Seafarers ay isang komprehensibo at progresibong batas na tumutugon sa iba’t ibang hamon na kinakaharap ng mga marino sa kabuuan ng kanilang karera.

“It ensures fair and just working conditions, provides for reasonable compensation, guarantees access to quality healthcare and education, and promotes the welfare of seafarers and their families. This legislation stands as a testament to President Marcos’ dedication to creating a conducive environment for seafarers to thrive,” pahayag pa ni Romualdez.

Bukod dito, binigyang-diin ng lider ng Kamara na ang panukala ay nagbibigay-diin sa kahalagahan ng patuloy na pagsasanay at pagpapaunlad ng mga kasanayan para sa mga marino, na kinikilala ang kalikasan ng industriya ng maritime at ang pangangailangan para sa mga marino na umangkop sa mga umuunlad na teknolohiya at pinakamahusay na kasanayan.

“By empowering seafarers with the necessary knowledge and skills, we not only enhance their professional capabilities but also ensure the sustained growth and competitiveness of our maritime sector,” aniya pa.

Matatandaang noong nakaraang Marso, pumayag ang European Commission na ihinto ang nakaambang pagbabawal na maaapektuhan ang humigit-kumulang 50,000 marinerong Pilipino sa gitna ng pag-aalala ng European Maritime Safety Agency (EMSA) tungkol sa kalidad ng pagsasanay ng mga Pinoy seafarers.

Ang pamahalaan ay agad na tumugon kabilang ang personal na interbensyon mula kay Marcos, na nakipagpulong sa mga opisyal ng EU at tiniyak na ang Pilipinas ay nakatuon sa pagtugon sa mga isyu at pagsunod sa mga regulasyon ng Europa.

“To the seafarers present here today and those serving at sea, I offer my heartfelt appreciation for your tireless efforts and unwavering commitment,” sabi pa ni Romualdez.

“Let us continue working hand in hand, with President Marcos’ guidance, to propel the maritime industry forward, ensuring the well-being and prosperity of our seafarers,” dagdag pa nito.

Leave a comment