100 livelihood package ipinamahagi ng DOLE at Caloocan gov’t

Walang pagsidlan ng tuwa ang mga magulang sa tinanggap na tulong mula sa DOLE at ng Caloocan City
government.

Ni JOY MADELAINE

Aabot sa mahigit 100 livelihood packages ang ipinamahagi ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa mga kalahok sa culminating activities ng World Day Against Child Labor sa pakikipagtulungan ng lokal na pamahalaan ng Caloocan sa pangunguna ni Mayor Dale Gonzalo “Along” Malapitan.

Kasama sa tulong pangkabuhayan na ipinamahagi sa mga participants ang mga food cart, sewing machine, at bigasan package na isinagawa sa Buena Park Sports Complex noong nakaraang Hunyo 23.

Pinasalamatan ni Malapitan ang DOLE at iba pang ahensya ng pamahalaan sa pakikipagtulungan sa lokal na pamahalaan sa paglikha ng magandang kinabukasan para sa mga kabataan.

Binigyan-diin din nito ang kahalagahan ng kapakanan ng mga bata sa nation-building.

“Nagpapasalamat po tayo sa DOLE at iba pang ahensya sa inyong patuloy na paggabay at pagtulong sa pamahalaang lungsod ng Caloocan tungo sa mas maayos na kapakanan at maliwanag na kinabukasan ng ating kabataan,” sabi ni Mayor Along.

“As we celebrate the World Day Against Child Labor, let us strive to create a better world for our children. Isa rin po akong magulang at alam ko po na ang ating mga anak ay hindi dapat nagbabanat ng buto; dapat sila ay naglalaro, nag-aaral, at nagsasaya,” dagdag pa nito.

Binigyan-diin din ng alkalde na lahat ng uri ng pang-aabuso sa mga bata ay walang lugar sa Caloocan City at ang pamahalaang lungsod ay palaging bubuo ng mga patakaran para sa kapakanan ng mga ito.

“Caloocan will always be child-friendly. Our policies shall always be aligned in providing our children with a progressive, inclusive, and safe city,” ayon sa alkalde.

Itinampok din sa okasyon ang mga aktibidad mula sa koordinasyon ng Caloocan City Public Employment Service Office (PESO), National Council Against Child Labor (NCACL), at Council for Welfare of Children (CWC) kabilang ang pamamahagi ng mga libreng gamot at libreng tulong medical-dental assistance.

2 Comments

  1. Ito ay Malaking Tulong para sa mga Kanlao maraming salamat sa programang ito Sana po marami pa po kayong matulongan.

    Like

Leave a comment