
Ni MJ SULLIVAN
Nakapagtala ang sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ng 102 volcanic earthquakes sa Bulkang Mayon na naitala hanggang alas-5:00 ngayong umaga.
Ayon sa Phivolcs, nakapagtala rin ng 263 rockfall events at 8 Dome-collapse pyroclastic density current event na tumagal ng tatlong minuto.
Nakita ring naging mabagal ang pagdaloy ng lava na may haba na 1.3 km sa Mi-isi Gully at 1.2 km sa Bonga Gully at pagguho ng lava hanggang 3.3 km mula sa crater.
Nakapagtala rin ng pagbuga ng sulfur dioxide flux na nasa 925 tonelada/araw o Hunyo 25, 2023.
Nakita rin ang pagbuga ng usok na umakyat sa 100 metrong taas at katamtamang pagsingaw na napadpad sa gawing kanlurang bahagi ng bulkan.
Nananatili rin ang pamamaga ng bulkan kung kaya’t pinatitiyak ng Phivolcs na walang nakakapasok sa 6 km radius Permanent Danger Zone dahil nakataas pa rin ang alert level 3 at paglipad ng anumang sasakyang panghimpapawid sa ibabaw ng bulkan.
Ibinabala ng ahensya ang inaasahang pagguho ng bato, pagtalsik ng mga tipak ng lava o bato gayundin ang pag-agos ng lava na nakadeposito sa paligid ng bulkan.
Gayundin ang posibleng pag-agos ng lahar sakaling may matinding pag-ulan sa nasabing lugar sa Albay.
