Cagayan, Eastern Samar at Davao Occidental nilindol

NI MJ SULLIVAN

Niyanig ng magkasunod na paglindol ang lalawigan ng Cayagan, Eastern Samar at Davao Occidental, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa datos, ganap na alas-11:42 kagabi nang tumama ang magnitude 4.4 na lindol sa Homonhon Island, Guiuan, Eastern Samar.

Natukoy ang sentro nito sa layong 014 km hilagang silangan ng nasabing lugar at may lalim na 059 km at tectonic ang origin.

Naitala ang instrumental intensity 1 sa lungsod ng Borongan, Eastern Samar .

Wala namang naging danyos ang nasabing lindol at wala ring inaasahang aftershocks.

Samantala, ganap namang alas-12:00 ng hatinggabi nang maitala ang magnitude 4.2 na lindol sa Davao Occidental.

Nakita ang lokasyon nito sa layong 184 km timog silangan ng Jose Abad Santos, ng nasabing lalawigan.

May lalim itong 108 km at tectonic ang origin.

Muli ring nilindol ang nasabing lugar sa lakas na magnitude 3.2 ganap na alas-7:02 ng umaga.

Ang lokasyon ay nasa layong 109 km timog silangan ng Jose Abad Santos, Davao Occidental at may lalim na 040 km.

Ganap namang alas-4:41 ng madaling-araw nang maitala ang magnitude 3.9 ng lindol sa  Babuyan Island, Calayan, Cagayan.

Natukoy ang sentro ng lindol sa layong 017 km timog silangan ng Babuyan Island at may lalim na 092 km at tectonic din ang origin.

Leave a comment