
Ni NOEL ABUEL
Inihain sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang resolusyon na nananawagan sa Kongreso na suspendehin ang legislative franchise ng Cebu Pacific dahil sa maraming reklamo ng mga pasahero laban dito
Ayon kay Cagayan de Oro City 2nd District Rep. Rufus Rodriguez, tulad ng pangako nito na maghahain ng resolusyon na humihiling ng suspensyon ng legislative franchise ng Cebu Pacific bilang parusa sa “kakila-kilabot” na serbisyo nito.
Sinabi ni Rodriguez na ang pangunahing dahilan ng pagbibigay ng Kongreso sa isang pribadong kumpanya ay para sa kapakanan ng publiko at hindi para magbigay ng masamang serbisyo.
Gayunpaman, sinabi nito na ang Cebu Pacific ang nakapagtala sa kasaysayan ng hindi kasiya-siyang serbisyo sa publiko.
“Passengers of Cebu Pacific experience flight delays and cancellations, and to make matters worse, their customer service is also unreliable with passengers complaining that Cebu Pacific does provide immediate assistance or support regarding their concerns despite seeking help from the airline’s customer service hotlines and in-person help desks,” nakasaad sa resolusyon.
Aniya, ilang mga pasahero ang nagpahayag ng kanilang mga reklamo sa pagdinig ng Senado noong nakaraang linggo, na may isa na nagsasabing “nakaranas ng masama sa Cebu Pacific sa kanilang pabalik na flight sa Maynila mula Tokyo noong Hunyo 5 nang ang nasabing flight ay naantala dahil sa mga problema sa ingay mula sa makina ng sasakyang panghimpapawid.
“The passenger claimed that they were given different reasons for the delay and they were left without food and any commitment for accommodation while waiting for their flight, forcing them to sleep on the floor of Narita International Airport in Japan,” ayon pa kay Rodriguez.
Binanggit ng Mindanao solon na isa pang pasahero ang nagsabi sa mga senador na muntik na itong makatuloy sa kanyang dentistry board exam nang ilipat ang kanyang flight mula Dumaguete City papuntang Maynila noong Mayo 1 makalipas ang apat na araw.
“This same passenger also stated that she was surprised to learn that her aunt, who was in Australia, was able to buy a ticket for a Cebu Pacific flight, which cost more than P10,000, on the morning of May 2,” aniya pa.
“This shows that seats are available to highest paying customers even though there are a lot of passengers bumped off by delayed flights waiting,” dagdag pa ni Rodriguez.
Inamin din ni Rodriguez na maging ito ay nakaranas ng masamang karanasan sa
Cebu Pacific nang ma-delay ang flight nito at ng kanyang asawa na si Fenina, at ng 7 pang high school classmates, na nanggaling pa sa Estados Unidos mula Cebu patungong Cagayan de Oro para dumalo sa kanilang class reunion noong Mayo 17, nang walang anumang abiso at paliwanag.
“They were given only one bottled water and biscuits,” sabi ng mambabatas.
“Reports online show that Cebu Pacific’s financial statement reveals that revenues from rebooking, refunds and cancellation fees allegedly grew by 270 percent or P1.45 billion, reaching nearly P2 billion in the first quarter of this year, showing that Cebu Pacific is more interested in more profits than good service to the riding public,” aniya pa.
