
Ni NOEL ABUEL
Dapat na siguruhin muna ng Department of Health (DOH) na may sapat na ebidensya ng siyensya na wala na ang epekto ng COVID-19 sa bansa at dapat nang bawiin ang state of public health emergency sa bansa.
Ito ang sinabi ni Senador Christopher “Bong” Go bilang tugon sa pahayag ni DOH Sec. Teodoro Herbosa na hihilingin nito kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na tanggalin na ang state of public health emergency sa COVID-19 dahil sa patuloy umano ang naitatalang kaso nito na na mababa na sa 500 kada araw.
“We have to consider everything and make sure that the proposed lifting of the state of public health emergency due to COVID-19 is evidence-based and dictated by good science. This includes ensuring that our present healthcare system is strong enough should there be an alarming increase again in the number of COVID-19 cases,” sabi ni Go, chairman ng Senate Committee on Health.
Kasabay nito, umapela si Go sa DOH at sa iba pang ahensya ng pamahalaan na unahin muna ang pagpapalabas ng pondo para sa COVID-19-related allowances ng mga healthcare workers.
“Meanwhile, as chair of the Senate Committee on Health, I appeal to DOH and other involved agencies to speed up the release of all applicable COVID-19-related allowances for our healthcare workers,” aniya.
“Dapat na maibigay na ng gobyerno ang para sa ating mga healthcare workers sa lalong madaling panahon. Kasama na diyan ang mga death benefits ng mga medical frontliners natin na nag-alay ng kanilang buhay para sa kaligtasan at kapakanan ng kanilang kapwa Pilipino,” sabi nito.
“Ang mga allowances na ito na ipinaglaban nating mapondohan sa Senado, kung tutuusin, ay napakaliit na halaga kung ikumpara sa malaking sakripisyong ginawa ng ating mga magigiting ng healthcare workers,” dagdag pa ni Go.
Sinabi pa ng senador na kahit may state of public health emergency o wala ay dapat na tuparin ng pamahalaan ang obligasyon nito na protektahan ang buhay ng lahat ng Filipino at ibigay ang nararapat para sa mga medical frontliners.
“With or without the State of Public Health Emergency, the government should fulfill its obligations to protect the lives of Filipinos, safeguard their health, and give what is due to them especially to our medical frontliners,” ayon pa dito.
