Antique tatlong beses nilindol

Ni MJ SULLIVAN

Nabulabog ang ilang residente ng lalawigan ng Antique makaraang magkakasunod na tamaan ng paglindol ngayong araw, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivocs).

Ayon sa Phivolcs, tatlong magkakasunod na paglindol ang naitala sa nasabing lalawigan dahilan upang maalarma ang ilang residente nito.

Nabatid na unang naitala ang magnitude 4.4 dakong alas-4:32 ng madaling-araw na nakita ang sentro sa layong 030 km timog silangan ng Anini-y, Antique.

May lalim itong 013 km at tectonic ang origin.

Naitala ang instrumental intensities sa intensity II sa Anini-y, Antique at intensity I sa Jordan, Guimaras; Culasi, Antique.

Ganap namang alas-4:35 ng madaling-araw nang muling yanigin ng lindol ang nasabing lugar.

Magnitude 2.5 ang naitala sa layong 025 km timog silangan ng Anini-y, Antique at may lalim na 010 km at tectonic ang origin.

Makalipas ang dalawang minuto ay muling lumindol at sa pagkakataong ito ay naitala ang magnitude 2.6 na ang sentro ay ang nasabi pa ring lugar.

Wala namang naitalang danyos ang nasabing mga paglindol.

Leave a comment