Villar sa graduates: Magsikap at gawing mas mabuting bansa ang PHL

Ni NOEL ABUEL

Hinamon ni Senador Cynthia Villar ang mga mag-aaral na nagsipagtapos sa kolehiyo na magsikap at tumulong para umangat ang bansa.

Ginawa ng senador ang pahayag nang maging pangunahing pandangal sa Bulacan State University, kung saan ito dating nagsilbing Board of Regents member at sinabi nito na kaisa nito ang mga mag-aaral sa pag-abot sa pangarap na isang masaganang agrikultura, maunlad na ekonomiya at food-sufficient na Pilipinas.

“My dear graduates, as you embark on the next chapter of your lives, remember that true education goes beyond textbooks and exams and extends far beyond the walls of this institution,” ayon kay Villar.

Sinabihan ni Villar ang mga nagsipagtapos na gamitin ang kanilang kaalaman upang magkaroon ng ‘positive impact’.

“Let us remember that education is not just a privilege; it is a call to action. You have the privilege of education, and with it, the responsibility to uplift those who are less fortunate,” ani pa Villar.

Pinaalalahanan din nito ang mga nagsipagtapos na gamitin ang kanilang kaalaman at kakayahan sa pagbuo ng oportunidad.

Nagpahayag naman ng pagkadismaya si Villar sa malaking hamong kinakahap ng agriculture sector sa kabila ng pagiging “agricultural country” ng bansa.

Aniya, patuloy na naghihikahos ang mga magsasaka kung kaya’t ang mga ito ang “most economically disadvantaged group” sa bansa.

Dahil dito, bilang senador at chairperson ng Senate Committee on Agriculture Food, and Agrarian Reform, patuloy aniya ang kanyang pagsisikap para maiangat ang buhay ng mga magsasaka.

“I ensure that every legislation I create is tailored towards addressing the needs of our agriculture sector, promoting food security, and increasing the income of our farmers,” dagdag pa nito.

Leave a comment