Agri-community sa Sta. Rosa, Nueva Ecija makikinabang sa bagong kalsada — DPWH

Ni NERIO AGUAS

Natapos na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang rehabilitasyon ng isang kalsada sa Sta. Rosa, Nueva Ecija na magbibigay-daan sa mas madaling pag-access sa isang komunidad ng agrikultura sa nasabing lugar.

Sinabi ni DPWH Regional Office 3 Director Roseller A. Tolentino, sa kanyang ulat kay DPWH Secretary Manuel M. Bonoan at Undersecretary for Central Luzon Operations Roberto R. Bernardo, na ang Philippine Business Regulation Information System (PBRIS) Extension Lateral A-1 Canal Roadway ay na-upgrade sa Barangay Rajal Centro.

Ayon kay Tolentino, ipinatupad ng DPWH Nueva Ecija Second District Engineering Office (DEO) ang pagsesemento sa 1.85 kilometrong kahabaan ng dalawang lane, limang metrong lapad na kalsada sa halagang P15.48 milyon.

Maaaring umanong umasa ang mga lokal na residente na umakyat ang ekonomiya ng agrikultura dahil ang bagong kongkretong kalsada ay magbibigay sa mga magsasaka ng mas ligtas at mas mahusay na ruta ng transportasyon sa paghahatid ng mga produkto sa mga sentro ng pamilihan sa Sta. Rosa at iba pang bayan ng lalawigan ng Nueva Ecija.

Nabatid na sinimulan noong Pebrero 2023 hanggang Hunyo 2023, ang road rehabilitation project ay pinondohan sa ilalim ng General Appropriations Act (GAA) of 2023 sa pamamagitan ng Sustainable Infrastructure Projects Alleviating Gaps (SIPAG) at Kalsada Tungo sa Patubigan (KATUBIGAN) programs ng DPWH.

Leave a comment