Sri Lankan national arestado sa Olongapo

Ni NERIO AGUAS

Inaresto ng mga operatiba ng Bureau of Immigration (BI) ang isang Sri Lankan national na sangkot sa kasong pagnanakaw sa Subic noong nakalipas na Hunyo 19.

Kinilala ni BI intelligence division chief, Fortunato Manahan Jr. ang nadakip na dayuhan na si Mifras Mohamed Mohamed Munawfer, 28-anyos, na isang illegal alien at undesirable alien.

Nabatid na ang pagdakip kay Mohamed Munawfer ay isinagawa matapos ang pagdalo nito sa Olongapo Regional Trial Court kaugnay ng 16 na kaso ng qualified theft.

“We will continue to take decisive action against individuals who violate our regulations. Today’s operation is a testament to our dedication to maintaining order and security,” ayon sa BI.

Nabatid na bago ipatapon pabalik ng kanyang bansa si Mohamed Munawfer ay kakaharapin muna nito ang kanyang kaso.

Leave a comment