
Ni NERIO AGUAS
Ipinatapon na ng Bureau of Immigration (BU) ang isang South Korean national na wanted sa bansa nito.
Kinilala ang South Korean na si Choi Sunghee, 38-anyos, na isinailalim na sa blacklist order ng BI matapos na umalis ito ng bansa noong Hunyo 20 sakay ng Jeju Air flight patungo sa Incheon.
Nabatid na ipinaalam ng Korea authority sa BI ang tungkol sa mga kaso ni Choi.
Sinasabing nag-set up ito ng website ng ilegal na sugal na nag-engganyo sa mga user na tumaya sa domestic at foreign sports.
Nakatanggap umano iti ng mahigit sa 16 bilyong won mula sa mga miyembro ng website.
Napag-alaman sa batas ng South Korea na nagsasaad na walang tao, maliban sa Seoul Olympic Sports Promotion Foundation o isang awtorisadong entity, ang maaaring mag-isyu ng mga tiket sa pagtaya sa sports o mga katulad na bagay upang manalo sa pagtaya.
Ang mga lalabag ay maaaring parusahan ng pagkakulong ng 7-taon o nahaharap sa multa na hindi hihigit sa 70 milyong won.
“We greatly value our collaboration with foreign governments in combating transnational crimes and ensuring effective immigration control. Through these partnerships, we exchange vital information and work together to protect our borders from those who may seek to undermine our security,” ayon sa BI.
