Slogan ng DOT suportado ni Sen. Angara

Ni NOEL ABUEL

Suportado ni Senador Sonny Angara ang Department of Tourism (DOT) sa bagong slogan nitong “Love Philippines” na makikita sa tunay na ugali ng mga Filipino.

“Ako nagagandahan ako sa slogan na Love Philippines kasi mapagmahal talaga ang mga Pinoy. Saka it says something about Filipinos and at the same time ‘yung mga kababayan natin mamahalin din natin ang ating lugar,” sa panayam ng mga mamamahayag sa gitna ng ika-21 taong anibersaryo ng Philippine-Spanish Friendship Day ngayong Hunyo 30.

Ayon kay Angara, mahalaga na alagaan ng lahat ng mga Filipino ang mga magagandang tanawin sa bansa at i-develop ang mga ito para sa lahat.

“Aalagaaan natin ‘yung ating mga tanawin, ‘wag natin i-overdevelop tapos ‘yung basura natin for instance dapat i-dispose ng maayos. Nakita natin ‘yung nangyari sa Boracay di ba, ‘yung sa issue ng waste water kaya kailangan ilinis ng mga nakaraang taon. If we love our country, tama lang ‘yung pag-develop natin, sustainable. ‘Yan ang uso ngayon e, kailangan sustainable, hindi natin sinisira, hindi natin inuubos ano man ang kayamanan natin,” pahayag pa ng senador.

Idinagdag pa ni Angara, na ilan sa maaaring makatulong para maiangat ang turismo sa bansa ay ang pagsasaayos ng mga proyekto.

“Kung ie-examine mo lahat ng matagumpay na bansa sa turismo, ‘yung Thailand gets 30 million tourists, ‘yung Spain 30 million plus din ‘yan. Lahat ‘yan may magagandang tanawin, imprastraktura at magagandang slogan kaya naeenganyuhan din ‘yung mga tao na pumunta doon,” ayon pa kay Angara.

Tinukoy pa ng senador ang Baler, Aurora na nakilala dahil sa maraming mga dayuhang turista ang dumadayo sa lalawigan para sa surfing.

“It’s the birthplace of Philippine surfing ‘yung Aurora kasi mga 60 years na surfing sa Aurora at ‘yung first Philippine team sa surfing taga-Aurora sila. Although ngayon siyempre nakilala na ‘yung ibang lugar at pwedeng puntahan so may circuit tayo sa Pilipinas—La Union, Siargao, Surigao, Catanduanes, Pagudpud, napakaraming pwedeng puntahan for surfing. Depende kasi yan sa season, hindi naman pwede buong taon sa Baler ka, walang alon,” aniya pa.

Malaking tulong aniya sa lalawigan ang pagdayo ng mga turista para tumaas ang ekonomiya ng Baler dahil sa hinahangaang malalaking alon na hinahanap ng mga mahilig sa surfing.

“Definitely ‘yan ang isa sa pinakamalaking industriya, ‘yung tourism, agriculture dahil wala naman mga pabrika dito so definitely diyan nagkakaroon ng hanapbuhay ang mga tao sa Aurora,” sabi nito.

Leave a comment