Chinese national arestado sa fake visa sa NAIA

Ni NERIO AGUAS

Arestado ang isang Chinese national makaraang tangkain na makalusot sa mahigpit na pagbabantay ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) gamit ang pekeng entry visa.

Kasalukuyang nakakulong sa BI detention facility sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City ang nasabing dayuhan na nakilalang si Lin Jingxiong, 30-anyos, na nakatakdang ipatapon pabalik ng bansa nito.

Nabatid na dumating sa NAIA si Lin sakay ng Cebu Pacific flight mula Singapore kung saan nang dumaan ito sa BI counter ay nakitang blacklisted ito sa bansa.

At base sa isinagawang primary inspection, nagpakita rin si Lin ng Philippine visa na nang isailalim sa BI’s forensic documents laboratory ay nakumpirmang peke.

Ipinagmalaki ng BI na sapat ang kaalaman ng mga tauhan ng BI para matukoy kung ang mga dokumento na ipinapakita ng bawat dayuhan ay tunay o peke.

“Our immigration personnel are highly trained in detecting fraud. We are also equipped with the latest technologies for forensic document analysis,” ayon pa sa BI.

Sa record pa ng ahensya, nakita na Lin ay blacklisted pa simula noong Pebrero ng kasalukuyang taon dahil sa pagiging illegal alien.

Leave a comment