Pilipinas bilang investment destination dapat ipursige ni PBBM — Angara

Ni NOEL ABUEL

Umaasa si Senador Sonny Angara na itutuloy ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang pag-promote sa Pilipinas bilang investment destination sa nalalabi nitong 5-taon sa posisyon.

Ayon kay Angara, naniniwala ito na nasa tamang landas ang gobyerno ni Pangulong Marcos at kayang kumbinsihin ang mga dayuhang mamumuhunan na magtungo sa Pilipinas.

“I think ituloy lang niya ‘yung pag-promote ng Pilipinas as an investment destination kasi marami talagang naghahanap ng matatayuan ng pabrika dahil sa nangyayari sa daigdig ngayon—may mga giyera, mga developments. So ‘yung pagsabi niya sa mundo na bukas ang Pilipinas, nakikita ko na gusto niya na magkaroon ng mga hanapbuhay sa Pilipinas, na sumigla dahil alam niya na ‘yun ang maglalagay ng pagkain sa mga lamesa ng mga pamilya,” sabi pa ni Angara.

Nang mausisa kung anong grado ang ibibigay nito kay Pangulong Marcos sa pamumuno nito ay sinabi ni Angara ng 87%.

“I think 87. Still a lot to do kasi that’s only 1/6 of his term, five years pa, saka ‘yung mga miyembro ng gabinete na bago, may learning curve pa so they’ll be busier in the coming months,” sabi pa nito.

Sa usapin naman kung dapat nang maglagay ng permanenteng kalihim ang Department of Agriculture (DA), sinabi ni Angara na hindi mahalaga kung sino ang dapat mamuno dito.

“More than the personality I think we should have a long term strategy to have more value added Philippine agriculture products kasi panay raw materials tayo e. Panay isda, panay prutas, e ‘yung ibang bansa ang ginagawa na e processed food, spin-off products, so ‘yung may value added, yumayaman talaga ang mga bansa,” sabi nito.

Iginiit din ni Angara na dapat nang buwagin ang mga cartel sa bansa na nasa likod ng pagkontrol sa mga pangunahing bilihin.

“Dito sa Pilipinas ang yumayaman ‘yung mga nag-i-import, ‘yung mga middle men dahil kino-kontrol nila ‘yung supply e. ‘Yung mga cartels na ganoon dapat na buwagin na saka ‘yung pag-i-import maaaring kailangan sa short term pampababa ng presyo but in the long term, kung mamatay ‘yung agrikultura, anong mangyayari sa mga magsasaka, anong mangyayari sa maggugulay sa probinsya, like Aurora which is an agricultural province, we need a good long term strategy to help Philippine producers sa agriculture. So more than the personalities, it’s the strategies that’s important,” dagdag pa nito.

Leave a comment