
NI NOEL ABUEL
Nanawagan ang abogado ng mga dayuhang empleyado ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) hub na sinalakay ng Philippine National Police (PNP) sa Las Piñas City sa National Capital Regional Police Office (NCRPO) na ipagamot ang ilang sugatang dayuhan.
Sa kanyang sulat kay NCRPO chief, Major General Edgar Okubo, sinabi ni Ananias Christain Vargas, hiniling nito na maipagamot ang 13 foreign workers ng Xinchuang Technologies Inc., na nasaktan sa ikinasang operasyon ng PNP-Anti-Cybercrime Group noong Hunyo 29.
Sinabi ni Vargas tatlo sa mga dayuha ay dumanas ng pananakit ng mga operatiba at may impormasyon aniya sila na ang isa ay may tama pa ng bala kung kaya’t dapat na maipasuri sa mga manggagamot.
Kinondena ni Vargas ang pananakit umano ng ilang pulis sa mga iniligtas na mga dayuhan sa umano’y mga employers ng mga ito
“We seriously condemn this exhibition of police brutality against these unarmed foreign nationals, and declare that the use of force is not commensurate with the necessity to prevent escape, as you claim in your press statement. We also condemn your police officers on the ground’s continued refusal to allow the entry of an ambulance to transport these seriously injured and wounded to the nearest treatment facility,” sabi pa ni Vargas.
Aniya, may utos na Umani ang Legal Affairs Division ng PNP – ACG na ipasuri sa medical team ang mga diumanoy nasaktan na POGO workers.
Giit pa ni Vargas, napakahalaga na agad ng masuri ng mga doktor ang mga foreign workers upang hindi na lumala pa ang kanilang kondisyon.
Nakarating na rin kay PNP Chief Benjamin Acorda Jr., Police BGen. Sidney Hernia, director ng PNP – ACG at Police Maj. Gen. Jon Arnaldo, director ng PNP – Directorate for Intelligence ang sulat ng abogado ng nasabing mga foreign workers.
