3 Pinay nasagip sa call center scam

Ni NERIO AGUAS

Nasagip ng mga operatiba ng Bureau of Immigration (BI) ang tatlong biktima ng human trafficking sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal

Ayon sa BI’s travel control and enforcement unit, ang tatlong babaeng Pinay ay biktima ng human trafficking ring na sangkot sa pagre-recruit ng mga Filipino para magtrabaho umano bilang call centers.

Nabatid na papaalis na sana ang mga biktima na may edad 20-anyos hanggang 30-anyos sakay ng Philippine Airlines flight patungong Cambodia nang maharang ng mga BI personnel.

Una nito, sinabi ng mga Pinay magkakatrabaho ang mga ito at bibiyahe palabas ng bansa para sa limang araw na bakasyon.

Gayunpaman, nag-alinlangan ang mga opisyal sa kanilang layunin matapos mapansin ang ilang mga hindi pagkakapare-pareho sa kanilang mga pahayag.

Sa huli umamin din ang mga biktima na ni-recruit para magtrabaho sa Cambodia.

“We suspect that the three are also victims of the trafficking ring. Their trip was arranged by foreign nationals that they do not personally know,” ayon sa BI.

Babala pa ng BI sa mga nagbabalak magtrabaho sa ibang bansa na dumaan sa tamang proseso at huwag dumaan sa mga illegal recruiters.

Ang mga biktima ay dinala sa Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) para sa karagdagang imbestigasyon sa mga kalagayan ng kanilang recruitment, at kalaunan ay pagsasampa ng mga kaso laban sa kanilang mga traffickers.

Leave a comment