P700K halaga ng lupa donasyon ng kongresista

Nakamasid ang ilang benepisyaryo ng lupang donasyon ni Rep. Frasco para pagtayuan ng bagong palengke.

Ni NOEL ABUEL

Nag-donate ng nasa 1,287 metro kuwadradong lupa ang isang kongresista para pagtayuan ng bagong public market sa lalawigan ng Cebu City.

Nabatid na ang nasabing lupa ay ibinigay ni Cebu 5th district Rep. Vincent Franco “Duke” Frasco kung saan itatayo ang nasabing bagong palengke sa Barangay Consuelo, San Francisco, Cebu.

Sinabi ni Frasco na ang lupa ay binili nito sa halagang P700,000.00 mula sa personal funds nito para ibigay sa barangay at pagkatapos ay itayo ang public market.

Naniniwala ang kongresista na ang pampublikong merkado ay isa sa mga pinakamahalagang haligi sa buhay ng isang komunidad at ang pag-unlad ng ekonomiya.

Lumilikha ito ng maraming pagkakataon para sa mga lokal na negosyo at trabaho, nagbibigay sa mga residente ng mas mahusay na access sa mga lokal na produkto, at nagsisilbing isang lugar para sa mga aktibidad na panlipunan at pang-ekonomiya.

Ang malapit nang itayong pampublikong pamilihan sa Barangay Consuelo ay nakikita na isang sentro ng kalakalan at komersiyo na malaki ang maiaambag sa ekonomiya ng San Francisco at pakikinabangan ng mga mamamayan ng Camotes at kanilang mga pamilya.

Leave a comment