Palpak na serbisyo ng airline companies imbestigahan — Rep. Magsino

Ni NOEL ABUEL

Pinaiimbestigahan ni OFW party list Rep. Marissa “Del Mar” Magsino ang patuloy na nangyayaring palpak na serbisyo ng mga airline companies.

Sa inihain nitong House Resolution 1105, nais nitong masolusyunan ang nararanasan ng mga airline passengers partikular ang mga overseas Filipino workers (OFWs) sa masamang serbisyo ng mga domestic airlines.

“There have been consistent and perennial complaints from air passengers in and out of the country against a number of domestic airlines, of being offloaded due to overbooking, flight delays and cancellations without timely and valid explanations, long queues, mobile app glitches, lost baggage, unnecessary security checks, lackluster or unresponsive customer assistance service, and other operational issues that make travel to and out of the country a disappointing and frustrating experience,” sabi ni Magsino.

Aniya, ang lumalaking kawalang-kasiyahan sa mga pasahero ng eroplano, lalo na ang mga OFW, hinggil sa kakila-kilabot na serbisyong inaalok ng mga domestic airline ang nagtulak dito para ihain ang HR 1105.

Sinabi ni Magsino na kailangang imbestigahan ang mga isyung ito at sa layuning maproteksyunan ang mga manlalakbay at maabot ang mataas na ekonomiya kaugnay ng commercial aviation at air travel.

Ang isa sa mga pinakamalaking sektor na apektado ng masamang kalidad na serbisyo ng airline companies ay ang sektor ng OFW.

Inihalimbawa pa ni Magsino ang mga pagkakataon na binawi ang mga kontrata sa trabaho sa ibang bansa ng mga OFWs, mga parusa, at mga epekto sa employer na nagreresulta mula sa mga pagkaantala o nabigo na mga dating sa mga worksite ay iniulat, na nagpapahina sa pangako at kontribusyon ng OFWs.

“Napakalaking bahagi ng labor migration ang ating aviation industry. Ang mga pagbabago sa presyo ng flights, kaguluhan sa schedules, pati mga aberya sa ating mga paliparan, ay may direktang epekto sa kabuhayan ng ating mga OFW. Mayroon na iyan mga schedule kung kailan sila dapat magsimula sa trabaho o kaya ‘return to work order’. Kapag nakansela ang flights nila sa ano mang dahilan, hindi lang simpleng inconvenience ang dulot nito sa ating mga OFWs kung hindi paglalagay ng kanilang mismong trabaho sa alanganin,” paliwanag pa ni Magsino.

Sa nakaraang Senate Committee hearing sa Res. No. 575 o Airline Passengers’ Complaints laban sa Cebu Pacific dahil sa overbooking, offloading, at booking glitches, isang OFW na si Mr. Rafael Bartolome, na nakabase sa Qatar ang nakaranas ng makailang ulit na flight cancellations sa biyahe nito paalis at pauwi ng Pilipinas noong Agosto.

Ang kaso nito ay inendorso sa Senate Committee on Tourism ng OFW party list.

Sinabi rin ng mambabatas na ang mga insidente na may kaugnayan sa paglalakbay na ito ay nagresulta din sa iba’t ibang mga pinsala sa mga apektadong mga pasahero tulad ng pagkawala ng mga pagkakataon sa negosyo at kita, at pamilya, pati na rin ang emosyonal na pisikal at psych emotional stress.

“Due to the nature of their business which is endowed with public interest and duty, airline companies are required to observe exacting standards in accommodating their passengers with due regard to their welfare, convenience and safety. They are required extraordinary diligence, and accordingly, extraordinary service. However, their bad service not only negatively impact air passengers, but also undermine critical pillars of our economy: our tourism industry and labor migration,” ani Magsino.

Leave a comment