Ni NOEL ABUEL
Usap-usapan at viral sa social media ngayon ang pagkalat ng video ng umano’y pang-aabuso ng ilang tauhan ng Philippine National Police (PNP) sa isinagawang raid sa Las Piñas POGO hub, isang linggo na ang nakararaan.
Sa isang video, kitang-kita ang pag-ungol sa sobrang sakit ng isang foreigner dahil sa tinamong mga pasa sa iba’t ibang parte ng katawan.
May isang video naman na kitang-kita kung pano pinaghahampas at pinapapalo ng ilang pulis ang ilang POGO workers.
Nangyari ito sa kabila ng pagmamalaki ng PNP na mahigit 2,000 katao ang kanilang ni-rescue sa naturang POGO hub.
“Hindi rescue ang nangyari, kundi police brutality,” sabi ng ilang biktima.
Kaugnay nito, sumulat na sa PNP ang abogado ng Xinchuang Network Technologies upang hilingin na ipagamot ang 13 foreign workers na biktima ng pananakit at pang-aabuso mula sa PNP.
Sinasabing tumatanggi rin umano ang PNP na ipagamot ang mga sugatang biktima. Sila ay nasugatan sa labis na pambubugbog ng pulisya.

Bukod sa pananakit, napaulat din ang puwersahang pagbukas sa 124 vault ng POGO kahit walang presensya ng abogado.
Isang abogado rin umano ang pinadapa sa raid na nangyari noong nagdaang Lunes.
Ang mga akusasyong ito ay itinanggi naman ng PNP.
