Magna Carta for Non-Uniformed Personnel ipasa na — solon

Rep. Brian Yamsuan

Ni NOEL ABUEL

Iginiit ni Bicol Saro party list Rep. Brian Raymund Yamsuan ang mabilis na pagpasa ng isang panukala na naglalayong tiyakin ang seguridad sa panunungkulan ng mga civilian employees sa mga law enforcement at mga kaugnay na ahensya, gayundin ang pagkakaloob sa kanila ng disenteng suweldo at ang parehong mga benepisyong tinatamasa ng mga unipormadong tauhan at iba pang manggagawa ng gobyerno.

Ayon sa kongresista, na dating assistant secretary ng Department of the Interior and Local Government (DILG), iminungkahi nito ang Magna Carta for Non-Uniformed Personnel (NUP) na inihain nito at ni Camarines Sur 2nd District Rep. LRay Villafuerte na magbibigay ng pakinabang ang mga sibilyang empleyado sa Philippine National Police (PNP), Armed Forces of the Philippines (AFP), at lahat ng iba pang uniformed agencies.

“Non-uniformed personnel work as partners in protecting the lives of the Filipino people. Their jobs are as valuable as their uniformed counterparts. Hence, this bill seeks to improve the social and economic well-being of all NUP as well as to ensure that their rights are protected,” ayon kina Yamsuan at Villafuerte.

“It also aims to help professionalize our public safety workforce, boost employee morale and ensure accountability and responsiveness of our institutions,” dagdag pa ng mga ito.

Sakop din ng Magna Carta sa ilalim ng House Bill (HB) 7981 ang NUP sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), Department of National Defense (DND), Bureau of Fire Protection (BFP), Bureau of Corrections (BuCor), Philippine Coast Guard (PCG), at ang National Mapping and Resource Information Authority (NAMRIA).

“Our NUP in the PNP, AFP and other uniformed agencies often work long hours without being justly compensated for such efforts, and are at times exposed to high-risk working conditions, but lack the benefits, job security and social protection they deserve,” sabi ni Yamsuan.

Ipinunto din ni Yamsuan na libu-libong NUP sa pulisya, militar at iba pang unipormadong ahensya ang napag-iwanan pagdating sa pagtanggap ng suweldo na naaayon sa kanilang kakayahan, lalo na matapos ang pagtaas ng base pay ng mga sundalo, pulis at iba pang unipormadong tauhan sa 2018.

Sa ilalim ng HB 7981, iminungkahi nina Villafuerte at Yamsuan na ang sukatan ng suweldo ng NUP ay kapareho ng sa mga uniformed personnel.

Ang suweldo ng NUP ay dapat ding katumbas ng mga binabayaran sa ibang mga trabaho o propesyon na nangangailangan ng katumbas o katulad na mga kwalipikasyon, pagsasanay at kakayahan anuman ang mga posisyon sa ranggo.

Ang buwanang suweldo ng NUP, kabilang ang pinakamababang ranggo, ay dapat tiyakin na ito ay nagbibigay sa empleyado ng makatwiran at disenteng pamantayan ng pamumuhay, at hindi dapat isama ang subsistence allowance, cost of living allowance, at lahat ng iba pang benepisyong itinatadhana sa ilalim ng mga umiiral na batas.

Ang mga benepisyo gaya ng bilang overtime pay, night differential pay, longevity pay, laundry allowance na P1,000 kada buwan para sa mga kinakailangang magsuot ng uniporme; subsidy ng isang sako ng bigas kada buwan o katumbas nito sa pera; quarters allowance para sa mga pinilit na manatili sa kanilang mga lugar ng trabaho; at ang clothing allowance na P6,000 kada taon para sa lahat ng NUP ay ibinibigay sa ilalim ng panukala.

Leave a comment