
Ni MJ SULLIVAN
Nabulabog ang ilang residente sa probinsya ng Sarangani makaraang yanigin ito ng malakas na paglindol kagabi, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Ayon sa datos, dakong alas-6:20 kagabi nang tumama ang magnitude 4.8 na lindol na nakita sa layong 026 km timong kanluran ng Kiamba, Sarangani.
May lalim itong 019 km at tectonic ang origin.
Naramdaman ang intensity V sa Kiamba, Sarangani; intensity III sa Maitum, Sarangani; Tupi at T’boli, South Cotabato.
Intensity II naman sa lungsod ng General Santos; Alabel, Malungon, at Maasim, Sarangani; Lake Sebu, South Cotabato at intensity I sa Polomolok at Tampakan, South Cotabato; Malapatan, Sarangani; Kalamansig, Sultan Kudarat.
Habang sa instrumental iIntensities ay naitala rin ang intensity V sa Kiamba, Sarangani at intensity III sa – lungsod ng General Santos; Maitum, at intensity II sa Alabel at Malungon, Sarangani.
Intensity I naman sa Maasim, Sarangani; Don Marcelino, Davao Occidental; syudad ng Koronadal, Polomolok, at Tampakan, South Cotabato; Kalamansig, Sultan Kudarat.
Samantala, ngayong alas-8:53 ng umaga nang maitala ang magnitude 3.2 na lindol sa lalawigan ng Nergos Oriental.
Nakita ang sentro ng lindol sa layong 007 km kanluran ng Valencia, Negros Oriental at may lalim lamang na 001 km at tectonic ang origin.
Naitala ang intensity III sa Sibulan, Negros Oriental habang sa instrumental intensities naitala ang intensity III sa Sibulan, Negros Oriental at intensity II sa Molave, Zamboanga del Sur.
Wala namang naitalang danyos sa nasabing dalawang paglindol at wala ring inaasahang aftershocks sa mga susunod na araw at oras.
