Pagbagal ng inflation rate: Bunga ng pamamahala, polisiya ni PBBM — Speaker Romualdez

Ni NOEL ABUEL

Ikinatuwa ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang pagbagal ng inflation rate o bilis ng pagtaas ng presyo ng bilihin sa ikalimang sunod na buwan ngayong 2023.

Ayon kay Romualdez ang naitalang 5.4% inflation rate sa buwan ng Hunyo ay patunay na nagbubunga na ang maayos na pamamahala at epektibong polisiya ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. upang mapigilan ang pagsirit ng pagtaas ng presyo.

“This continued drop in inflation can be attributed to President Ferdinand ‘Bongbong’ R. Marcos Jr.’s strong political will and the administration’s sound economic policies. From a high of 8.7% at the start of the year, inflation had been tamed to 6.1% in May, and dropped again in June at 5.4%,” sabi ng lider ng Kamara.

Ang naitalang inflation rate noong nakaraang buwan ay katulad din umano ng naunang sinabi ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Sinasabing ang naitalang 5.4% headline inflation nitong Hunyo ang pinakamababa sa loob ng 13 buwan.

“President Marcos Jr.’s carefully crafted spending plan in the 2023 national budget, his many investment tours during his term that inspire investor confidence, and his focused programs and actions against high prices of goods all contributed to this drop in inflation rate,” sabi pa ni Romualdez.

“He practically hit the ground running after the inauguration of his presidency last year. We at the House of Representatives also tried to move at his pace, and we were also very productive in our mandate to support the 8-point economic agenda of the President and his Agenda for Prosperity, including his priority legislation,” dagdag nito.

Ayon kay  Romualdez ang 2023 national budget ay nakatuon sa mithiin ni Pangulong Marcos na mapalakas ang purchasing power ng mga Pilipino at naramdaman ito sa unang anim na buwan ng taon.

“Lowering the inflation rate is a necessary offshoot of boosting our people’s purchasing power. And the Marcos administration has achieved that effectively,” paglalahad ni Romualdez.

Mula sa 8.7% inflation rate noong Enero 2023, ay bumaba ito sa 8.6% noong Pebrero at naging 7.6% noong Marso. Bumaba ito sa 6.6% noong Abril at 6.1% na pagsapit ng Mayo.

Ang Kamara ay gumawa rin ng mga hakbang upang matukoy ang sanhi ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin. 

Kasama na rito ang imbestigasyon sa smuggling ng sibuyas at iba pang produktong agrikultural at pagkontrol sa suplay nito upang tumaas ang presyo.

Ang hakbang na ito, ayon sa lider ng Kamara ay nakatulong upang mapababa ang halaga ng batayang bilihin at maibsan ang food inflation.

“We will continue to work on measures to ensure that the prices of goods and basic commodities remain affordable to the Filipino people,” ayon pa sa House Speaker.

Tinuran din ni Romualdez na noong Mayo ay nilagdaan ni Pangulong Marcos ang Executive Order (EO) No. 28 para sa pagbuo ng isang Inter-Agency Committee on Inflation and Market Outlook (IAC-IMO), upang mapag-isa ang mga hakbang ng iba’t ibang ahensya patungo sa pagpapababa sa presyo ng mga bilihin.

Leave a comment