
NI MJ SULLIVAN
Niyanig na magkahiwalay na paglindol ang probinsya ng Zambales at Sarangani ngayong araw, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Ayon sa Phivolcs, ganap na alas-3:16 ng hapon nang maitala ang magnitude 4.8 na lindol sa richer scale.
Natuloy ang sentro ng lindol sa layong 026 km timog kanlurann ng Palauig, Zambales at may lalim na 046 km at tectonic origin.
Naramdaman ang intensity III sa Quezon City habang sa instrumental intensities ay naitala ang intensity III sa Botolan, Iba, Cabangan at San Marcelino, Zambales.
Samantala, dakong alas-11:27 ng umaga nang maitala ang magnitude 4.1 na lindol sa Sarangani.
Nakita ang sentro ng lindol sa layong 025 km timog kanluran ng Kiamba, Sarangani at may lalim na 020 km at tectonic ang origin.
Naramdaman ang intensity V sa Kiamba, Sarangani; intensity IV sa Lake Sebu, South Cotabato at intensity III sa T’boli, South Cotabato; Maitum, Sarangani.
Intensity II naman sa lungsod ng General Santos; Tupi, South Cotabato at intensity I sa Malapatan at Maasim, Sarangani.
Sa instrumental intensities ay naitala ang intensity V sa Kiamba, Sarangani; intensity III sa Maitum, Sarangani.
At intensity II sa lungsod ng General Santos; Tupi, South Cotabato at intensity I naman sa Don Marcelino, Davao Occidental; Maasim, Malapatan, at Alabel, Sarangani; Koronadal City, at Sto. Nino, South Cotabato.
Wala naman naiulat na naging danyos ang paglindol at wala ring inaasahang aftershocks sa mga susunod na oras o araw.
