Mindanao road project tulong sa Zamboanga Sibugay –DPWH

Ni NERIO AGUAS

Isang susi at pinakahihintay na road project ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa Zamboanga Sibugay Province ang nag-ambag ngayon sa pag-unlad ng agribusiness, ecotourism, at logistics sa isla ng Olutanga at sa bayan ng Alicia.

Ayon kay Senior Undersecretary Emil K. Sadain, in-charge ng DPWH infrastructure flagship projects sa ilalim ng “Build Better More” program, ang dating magulo at kakila-kilabot na paglalakbay na naranasan mga dekada na ang nakararaan dahil sa malalim na maputik na kalsada ay tuluyan nang mawawala dahil sa pagsemento ng highway na kilala bilang Lutiman-Guicam-Olutanga Road.

Ang 29.7 kilometrong Lutiman-Guicam-Olutanga Road, isa sa tatlong core road projects sa ilalim ng Asian Development Bank (ADB)-assited Improving Growth Corridors in Mindanao Road Sector Project (IGCMRSP) na ipinatupad at natapos ng DPWH sa pamamagitan ng Unified Project Management Office (UPMO) – Roads Management Cluster II (Multilateral), ay isang game changer para sa socio-economic growth at development ng Alicia at Olutanga Island.

Sa kanyang ulat kay Secretary Manuel M. Bonoan kasunod ng ocular inspection noong Hulyo 7-8, 2023, sinabi ni Sadain na ang pagtatayo ng inter-island Guicam Bridge na isang hiwalay na non-core component ng IGCMRSP na konektado sa Lutiman-Guicam-Olutanga Road ay 43 porsiyento nang natapos hanggang sa kasalukuyan at target na matapos sa 2024.

Sa kabuuang haba ng proyekto na 1.21 kilometro, ang proyektong tulay na mag-uugnay sa Barangay Guicam, Alicia hanggang Barangay Hula-Hula, Mabuhay na tumatawid sa Canaliso Strait ay magsisilbing transport at economic connector sa pagitan ng tatlong munisipalidad ng Olutanga Island na kinabibilangan ng Olutanga, Talusan, at Mabuhay at mainland municipality ng Alicia patungo sa iba pang bayan ng Zamboanga Sibugay.

Ayon pa sa DPWH, ang mahabang epekto ng proyekto ay mag-aambag sa pagpapanatili ng kapayapaan at seguridad sa isla, gayundin ang paggamit ng mga socio-economic opportunity at paglago ng mga komunidad.

Ang Oluntanga Island ay may malawak na potensyal sa turismo at agro-fishery na may mahabang baybayin ng mga dalampasigan, snorkeling at diving site, produksyon ng mga high value aqua at mga produktong pangisdaan lalo na ang fish cage farming ng “Lapulapu”, dry fish-making, at seaweed industry.

Ang P25.257 bilyongbIGCMRSP finance na may loan na P19.080 bilyon ng Asian Development Bank at P6.117 bilyon na popondohan ng gobyerno ng Pilipinas, ay binubuo ng walong sub-projects na may portland concrete cement paving ng mga kalsada na humigit-kumulang 151.05 kilometro at konstruksyon ng 31 tulay na may kabuuang haba na 2,132.62 metro na lahat ay matatagpuan sa Zamboanga Peninsula, at tatlong tulay na may kabuuang kabuuang haba na 1,790 lineal meters na matatagpuan sa isla ng lalawigan ng Tawi-Tawi.

Leave a comment