PBBM pinuri ni Rep. Gomez

Ni NOEL ABUEL

Pinuri ni Leyte Rep. Richard I. Gomez si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa paglagda sa batas ng Republic Act 11953, o ang New Agrarian Emancipation Act, na naglalayong puksain ang mga pautang sa bangko na nakuha ng mga magsasaka-benepisyaryo ng agrarian reform program ng gobyerno.

“I am thrilled that the New Agrarian Emancipation Act has been signed into law. I am confident that this legislation would help improve the plight of our farmers and give the needed boost to the agriculture industry and ensure food security to our nation,” sabi ni Gomez, ang may-akda ng House Bill No. 5314, na kabilang sa mga panukalang batas na isinasaalang-alang ng Mababang Kapulungan ng Kongreso sa bersyon nito ng panukala.

“I am looking forward to the implementation of this law. This gives hope to our farmers that soon, they will be the rightful owners of the lands that they have been tilling for decades, and that they would no longer be bound to serve and kowtow to the demands of wealthy landowners,” dagdag pa ng mambabatas.

Sa paghahain ng HB 5314, binanggit ng mambabatas na mahigit tatlumpung taon na ang nakalipas mula nang maipasa ang Comprehensive Agrarian Reform Act, ngunit marami pa ring agrarian reform beneficiaries (ARBs) ang nahihirapan na bayaran ang lahat ng amortization na kinakailangan para mailipat sa kanilang mga pangalan.

Una nang nilagdaan ang RA 11953, ng Pangulo noong Hulyo 7, ay pinapawalang-bisa ang lahat ng mga utang, kabilang ang mga interes, multa, at surcharges na natamo ng mga ARB mula sa lupang iginawad sa kanila sa ilalim ng Presidential Decree (PD) 27, RA 6657, o ang Comprehensive Agrarian Reform Law of 1988, at RA 9700, na nagpalawig sa pagkuha at pamamahagi ng mga lupaing agrikultural sa ilalim ng Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP).

Sa ilalim ng mga umiiral na batas sa agraryo, ang mga ARB ay kinakailangang magbayad para sa mga lupaing iginawad sa kanila sa taunang amortisasyon sa loob ng 30 taon.

Sakop ng RA 11953 ang P57.56 bilyon na utang sa agraryo at inaasahang makikinabang ang 610,054 ARBs na nagbubukid ng kabuuang 1,173,101.57 ektarya ng iginawad na lupa.

Leave a comment