
Ni MJ SULLIVAN
Niyanig ng malakas na paglindol ang lalawigan ng Bicol region, kagabi gayundin ang probinsya ng Cagayan at Quezon ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Ayon sa Phivolcs, dakong alas-8:48 ng gabi nang tumama ang magnitude 4.0 sa layong 005 km timog kanluran ng Rapu-rapu, Albay.
May lalim itong 005 km at tectonic ang origin.
Sa instrumental intensities, naitala ang intensity III sa lungsod ng Legazpi, Albay at intensity II sa Prieto Diaz, Sorsogon.
Samantala, dakong alas-12:24 ng madaling-araw nang maitala ang magnitude 3.8 na lindol sa lalawigan ng Cagayan.
Nakita sa sentro ng lindol sa layong 024 km hilagang silangan ng Abulug, Cagayan at may lalim na 088 km at tectonic ang origin.
Ganap namang alas-2:23 ng madaling-araw nang maitala ang magnitude 3.9 na lindol sa lalawigan ng Quezon.
Natukoy ang sentro ng lindol sa layong 085 km hilagang silangan ng Patnanungan, Quezon at may lalim na 020 km at tectonic ang origin.
Wala namang naging epekto ang nasabing mga paglindol at wala ring inaasahang aftershocks sa mga susunod na araw o oras.
