MSMEs malaking tulong sa ekonomiya ng bansa– Sen. Legarda

Ni NOEL ABUEL

Umapela si Senate President Pro Tempore Loren Legarda sa pamahalaan na tiyakin ang suporta sa mga micro, small, and medium enterprises (MSMEs) gayundin ang pagtulong sa mga naghihingalong negosyo sa bansa.

Paliwanag ni Legarda, ang mga MSMEs ay nagsilbing vital backbone ng ekonomiya ng bansa kung kaya’t dapat lang na bigyan ng naaayong tulong ng gobyerno.

Base sa pinakahuling datos ng Philippine Statistics Authority (PSA) na sinegundahan ng Department of Trade and Industry (DTI), ang MSME sector ay nakapagbigay ng 5,461,731 trabaho o 64.67 porsiyento ng kabuuang employment para sa taong 2021.

Nanawagan din si Legarda, ang principal sponsor ang may akda ng Republic Act No. 9501, o ang Magna Carta for MSMEs,
na gawing simple ang mga proseso ng mga bagong negosyo upang mapalakas ang sektor, at lumikha ng mas maraming trabaho at kabuhayan para sa mga Pilipino.

“Ang pagtataguyod ng MSME ay mahalaga para patuloy na tumakbo ang ating ekonomiya dahil sila ang nag-uumpisa ng cash flow sa ating bansa,” sabi ni Legarda.

“MSME programs provide another avenue for Filipinos to rise from poverty through honest means; getting out of the rut of being poor should be more accessible to all since if we have spending power, our economy will continue to flourish,” dagdag nito.

Kasama ring naging batas na iniakda ni Legarda ang Republic Act No. 11293, o ang Philippine Innovation Act, Republic Act No. 10693 o ang Microfinance NGOs Act, Republic Act No. 10644 o ang Go Negosyo Act, at Republic Act No. 9509 o ang Barangay Livelihood and Skills Training Act of 2008 na pawang tulong sa mga MSMEs.

Inihain din ni Legarda ang Ñ Senate Bill No. 8, o ang “Pangkabuhayan Act,” na naglalayong hikayatin ang entrepreneurship.

“With an improved economic opportunity comes the responsibility of preserving what is provided to us by the country, such as the environment, its natural resources, and our cultural identity and heritage,” ani Legarda.

Leave a comment