
Ni NERIO AGUAS
Makakaasa na ang mga residente na nakatira sa mababang lugar sa munisipalidad ng Calinog, Iloilo na hindi na makakaranas ng pagbaha kasunod ng pagtatapos ng flood control project ng Department of Public Works and Highways (DPWH).
Ayon kay DPWH Regional Office 6 Director Nerie D. Bueno, ang 290-linear meter project sa Jalaur River ay magdudulot ng kaginhawahan sa mga residente ng Barangay Delgado na kadalasang apektado ng matinding pagbaha dahil sa biglaang pagtaas ng tubig sa panahon ng malakas na pag-ulan.
“Built in the amount of P34.3 million, its design serves as a catch basin for mountain water and is resilient to sudden floods,” sabi ni Bueno.
Maliban sa pagprotekta sa mga buhay at ari-arian, maiiwasan din ng proyekto ang pagguho ng lupa at iba pang pinsalang dulot ng mabilis na pag-apaw ng tubig ng nasabing ilog.
Ang flood control project ay isa sa mga proyektong isinagawa ng DPWH Iloilo 2nd District Engineering Office upang matiyak ang kaligtasan at kagalingan ng mga lokal na komunidad sa lalawigan ng Iloilo.
