
NI MJ SULLIVAN
Nabulabog ang ilang residente sa Visayas region makaraang yanigin ng malakas na paglindol kagabi, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Base sa datos, ganap na alas-9:01 ng gabi nang tumama ang magnitude 5.0 sa richer scale.
Nakita ang sentro ng lindol sa layong 018 km hilagang kanluran ng Llorente, Eastern Samar at may lalim na 032 km at tectonic ang origin.
Naramdaman ang intensity V sa Balangkayan, Hernani, at Llorente, Eastern Samar at intensity IV naman sa lungsod ng Borongan, General Macarthur, Lawaan, Maydolong, Salcedo, at San Julian, Eastern Samar; Dulag, Palo, Tanauan, at Tolosa, Leyte; syudad ng Tacloban; Marabut, Samar.
Intensity III naman ang naramdaman sa Can-Avid, Guiuan, Sulat, at Taft, Eastern Samar; Abuyog, Alangalang, Babatngon, Burauen, Dagami, Mayorga, Pastrana, Santa Fe, at Tabontabon, Leyte; Basey, Calbiga, lungsod ng Catbalogan, Motiong, Pinabacdao, at Santa Rita, Samar.
Naitala rin ang intensity II sa Arteche, Dolores, Oras, at San Policarpio, Eastern Samar; Barugo; syudad ng Baybay, Capoocan, Carigara, Jaro, Leyte, at San Miguel, Leyte.
Samantala, sa instrumental intensities ay naitala ang intensity V sa lungsod ng Borongan, Eastern Samar at intensity IV sa Dulag, Leyte; Gandara, Samar.
At intensity III sa Basey, sa syudad ng Catbalogan, at Marabut, Samar; Hinunangan, Southern Leyte at intensity II sa Can-Avid, Eastern Samar; Burauen, Calubian, Carigara, Hilongos, at Mahaplag, Leyte; Ormoc City; Rosario, Northern Samar.
Intensity I naman sa Albuera, lungsod ng Baybay, at Kananga, Leyte; Villareal, Samar.
Isinusulat ang balitang ito ay wala pang naitatalang naging epekto ng nasabing malakasa na paglindol.
Inaasahan din ang pagkakaroon ng aftershocks sa mga susunod na araw o oras.
