
NI MJ SULLIVAN
Niyanig ng paglindol ang lalawigan ng Davao Occidental ngayong araw, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Ayon sa datos, dakong alas-4:50 ng madaling-araw nang tumama ang magnitude 4.4 na lindol sa nakita sa layong 348 km timog silangan ng Balut Island, sa bayan ng Sarangani, Davao Occidental.
May lalim itong 148 km at tectonic ang origin.
Samantala, dakong alas-6:53 ngayong umaga ay nakapagtala rin ng paglindol sa lalawigan ng Abra.
Magnitude 3.3 ang naitalang lindol na ang sentro ay nasa layong 001 km hilagang kanluran ng San Quintin, Abra.
May lalim itong 005 km at tectonic ang origin.
Wala namang naitalang danyos ang nasabing mga paglindol at wala ring inaasahang aftershocks sa mga susunod na oras o araw.
