
Ni NOEL ABUEL
Pinagbibitiw ng isang kongresista ang mga miyembro ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) dahil sa kabiguang suportahan at itaguyod ang interes ng bansa.
Ang hamon ay ginawa ni Cagayan de Oro City 2nd District Rep. Rufus Rodriguez kasunod ng pagpayag ng MTRCB na ipalabas sa sinehan ang pelikulang Barbie sa Hulyo 19.
Ang pelikula ay iniulat na naglalaman ng isang paglalarawan ng nine-dash-line na nagpapakita ng pag-angkin ng teritoryo ng China sa South China Sea, kabilang ang bahagi ng 200-mile exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas.
Ipinahayag ni Rodriguez ang kanyang apela sa pagbibitiw isang araw pagkatapos ng ikapitong taong anibersaryo ng makasaysayang tagumpay ng bansa sa Permanent Court of Arbitration na suportado ng United Nations, na nagpawalang-bisa sa paggigiit ng Beijing sa pinalawig na maritime domain nito.
Nagdesisyon din ang korte na ang ilang mga isla sa South China Sea na inookupahan ng China ay pag-aari ng Pilipinas dahil ang mga ito ay nasa loob ng EEZ ng bansa.
“I am dismayed and disappointed by MRTCB’s decision. The inclusion in the movie of China’s illegal nine-dash-line claim is against our national interest, which the board apparently does not appreciate. Those officials should not stay in government any minute longer,” giit ni Rodriguez.
Sinabi nito na ang boto ng mga miyembro ng MRTCB na payagan ang commercial showing ng kontrobersyal na pelikula ay nagpapahiya at nagpapababa sa bansa at sa administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa harap ng international community.
“I have no doubt that President BBM Jr. supports the July 12, 2016 arbitral ruling. He has repeatedly stated so. We should be the first country and people to assert it and to insist that China complies with it because it was our victory in the international tribunal,” ayon pa dito.
Idinagdag pa ni Rodriguez na kabalintunaan na ipinagbawal ng Vietnam ang “Barbie” dahil sa kaduda-dudang nilalaman nito habang ang MTRC ay malinaw na gustong isulong ang walang basehang malawakang pag-angkin ng teritoryo ng Beijing sa South China Sea, kabilang ang West Philippine Sea.
“The board’s decision is doubly shameful and doubly ironic in the face of yesterday’s expressions of support by the United States and numerous countries, the latest of which is India, for our 2016 arbitral victory,” ayon pa kay Rodriguez.
“A direct or indirect insult is still an insult. If you don’t get that, MTRCB, shame on you!” If its Vietnam counterpart has found it offensive, why can’t MTRCB?” tanong nito.
