Orange warning sa Zambales at Bataan ibinabala

Ni MJ SULLIVAN
Naglabas ng orange warning ang Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) sa ilang bahagi ng bansa.
Sa inilabas na heavy rainfall warning no. 7 ng PAGASA, makakaranas ng malakas na pag-ulan sa lalawigan ng Zambales at Bataan na magdudulot ng malawakang pagbaha dahil sa bagyong Dodong.
Samantala, yellow warning naman sa Metro Manila, Pampanga, Bulacan na makakanas din ng pagbaha sa mga flood-prone areas.
Habang light to moderate na may kasamang occasional heavy rains ang makakaapekto sa Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon, Tarlac, at Nueva Ecija sa loob ng tatlong oras.
“The public and the Disaster Risk Reduction and Management Offices concerned are advised to monitor the weather condition and watch for the next advisory to be issued at 8:00 AM today,” ayon sa kalatas ng PAGASA.
