Wanted ng Polish national arestado ng BI

Ni NERIO AGUAS

Bumagsak sa kamay ng mga operatiba ng Bureau of Immigration (BI) ang isang Polish national na wanted sa bansa nito dahil sa kasong illegal na droga.

Ayon kay fugitive search unit (FSU) chief Rendel Ryan Sy, nadakip nito ang dayuhang si Mateusz Lukasz Pluta, 27-anyos, sa Purok Uno, Can-asagan sa San Juan, Siquijor.

Si Pluta ay naging paksa ng isang mission order na inilabas ng BI matapos makatanggap ng impormasyon mula sa Philippine Center on Transnational Crime tungkol sa kanyang mga krimen.

Ito ay iniulat na pinaghahanap sa Poland para sa pagpigil sa pagkagumon sa droga at pagkakasala laban sa kaligtasan sa paglabag sa trapiko, sa paglabag sa Polish penal code.

Pansamantalang nakadetine sa San Juan Police Station ang nasabing dayuhan bago ilipat sa BI facility sa Bicutan, Taguig.

Nahaharap sa summary deportation si Pluta kasunod na rin ng desisyon ng gobyerno nito na ilagay ito sa wanted list.

Leave a comment