
Ni NOEL ABUEL
Nananawagan si Senate President Pro Tempore Loren Legarda sa publiko at lahat ng sektor na suportahan ang mga programa na nakalaan sa disaster resilience.
Ayon kay Legarda, kasabay ng pagdiriwang ng National Disaster Resilience Month ngayong buwan, mayroong mga proactive na paraan upang matulungan ang bansa na makatulong sa pamahalaan sa mga epekto ng mga kalamidad na na tumatama sa bansa taun-taon.
“The Philippines is constantly hit by endless natural disasters every year, so we must be able to face any possible danger head-on,” sabi ni Legarda.
“Since we have identified most of the causes of damage to property and lives, the state and the citizens must work together to mitigate them by preparing ourselves, starting with simple things such as waste segregation and heeding disaster warnings,” dagdag pa nito.
Aniya, ang Pilipinas ay isa sa mga pinaka-disaster-prone na bansa sa buong mundo kung saan ang iba’t ibang mga natural na kalamidad tulad ng bagyo, lindol, at mga aktibidad ng bulkan ay nakakaapekto sa milyun-milyong tao.
Maliban pa dito, ang Pilipinas ay nasa Pacific Ring of Fire, kung saan maraming seismic at volcanic activity ang nangyayari nang mas madalas kaysa sa ibang bahagi ng mundo, na mapanganib sa milyun-milyong indibiduwal.
Ang mga Pilipino, na makakaranas ng halos 20 bagyo taun-taon, ay maaaring makaranas ng iba sa panahong ito dahil sa epekto ng El Niño phenomenon na inaasahang tatama sa bansa sa taong ito.
“I call on local government units to seriously consider ways to conserve the water supply — we cannot expose ourselves to the risk of seeing it dry up completely — it will be catastrophic,” babala ni Legarda, na suportado ang gobyerno na naglabas ng El Niño mitigation plan upang matulungan ang bansa sa masamang epekto ng El Nino.
“Let us also look at building standards and determine if structures can withstand tremors and various waterways to see if they are clear from debris that might cause overflow and flooding in low-lying areas,” dagdag pa nito.
