OFW party list naglunsad ng kauna-unahang medical mission para sa OFWs

Ni NOEL ABUEL

Aabot sa 600 overseas Filipino workers (OFWs) at kanilang pamilya ang nakatanggap ng libreng medical check up at libreng gamot sa inilunsad na “Bida and Kalusugan: Medical Mission for OFWs and Their Families” sa Ayala Malls Manila Bay.

Ang nasabing medical mission na kauna-unahang pagkakataon ay inilunsad ni OFW party list Rep. Marissa “Del Mar” Magsino sa tulong ng Chinese General Hospital and Medical Center (CGHMMC).

Maliban sa medical check up, nagkaroon din ng free dental services, pamamahagi ng libreng gamot, salamin, at iba pa.

Nasa 50 bata naman ang nakatanggap ng libreng check up mula sa mga volunteer pediatricians at nakatanggap din ng libreng gamot.

“We are pleased to partner with Chinese General Hospital and Medical Center to provide much-needed medical assistance to OFWs and their families. This is a simple way of taking care of and giving back to our OFWs whose diligent work abroad work not only benefit their families, but also the economy. Huwag natin kalimutan ang ating mga OFWs, lalo na ang mga bumalik na sa bansa at nagkakaedad na mas kailangan ng ating kalinga,” pahayag pa ni Rep. Magsino.

Nakilahok din ang Pag-IBIG Fund kasama ang DermCare at i-Remit kung saan nag-alok ito ng serbisyo tulad ng membership application at pag-update at pagpapalabas ng loyalty cards ng mga miyembro ng ahensya.

Samantala, ang DermCare at i-Remit ay nagkaloob ng freebies sa mga benepisyaryo habang ang Department of Health (DOH) at ang Ayala Malls Manila Bay ay nagbigay ng suportado sa nasabing medical mission.

“Ang OFW party list at Chinese General Hospital and Medical Center ay kapwa nakatuon na makiisa sa mga programang pangkalusugan, partikular na ang mga medical mission sa iba’t ibang lokalidad, para sa kapakanan ng mga OFW at kanilang pamilya,” sabi pa ni Magsino.

Leave a comment