Speaker Romualdez, Tingog agad sumaklolo sa mga binaha sa Zambales

Ni NOEL ABUEL

Agad na sumakloloat tumugon sa mga pamilyang binaha sa Zambales ang tanggapan nina Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez at Tingog party list Reps. Yedda Marie K. Romualdez at Jude Acidre.

Nabatid na sinuong ng mga tauhan ng mga mambabatas ang masamang panahon na dala ng bagyong Dodong upang ihatid ang mga relief goods sa mga nasalantang pamilya sa bayan ng Masinloc at Palauig sa Zambales.

Nakipag-ugnayan ang mga tauhan ni Romualdez kay Zambales 2nd district Rep. Doris Maniquiz para mabilis na maipamahagi ang mga naturang relief goods.

“There is practically no time to lose during disasters like typhoons and floods. We will do our best to help respond to your needs as we monitor the situation with other authorities. This assurance is not only for the people in Zambales but also for Filipinos affected by Dodong in other areas,” ani Speaker Romualdez.

Umabot sa 441 relief packs ang naipamahagi sa anim na barangay ng Masinloc, at 1,217 pack naman sa walong barangay ng Palauig.

Batay sa ulat, libu-libong pamilya ang inilikas at pansamantalang nanunuluyan sa mga evacuation centers.

Sa bayan ng Masinloc kung saan maraming nanunuluyan sa evacuation centers sa Collat Integrated School sa Barangay Collat na mas 1,324 pamilya at sa Sta. Rita Elementary School ay nasa 1,063 pamilya

Habang sa Palauig, na ginamit ang mga covered courts bilang temporary shelters, ang karamihan sa mga evacuees ay mula sa Barangay Sto. Tomas kung saan nasa 290 pamilya at sa Barangay Liozon na nasa 250 pamilya.

Patuloy umano ang gagawing koordinasyon ng Speaker’s Office at Tingog sa mga lokal na pamahalaan upang malaman ang pangangailangan ng mga nasalanta.

Leave a comment