Kaya pala binaha ang Metro Manila dahil sa 33 dredging projects ang pinabayaan ng MMDA!

KAHIT sino manggigigil sa galit sa balitang ito!

Sa kabila kasi ng paulit-ulit na paglabas ng problema sa baha sa tuwing sumasapit ang panahon ng tag-ulan ay hindi pa rin matuto ang ilan nating opisyales sa pamahalaan.

Bago pa ang pagsapit ng habagat at pananalasa ng bagyong Dodong, ni-red flag ng Commission on Audit (CoA) ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) dahil sa pinabayaan nilang 33 dredging projects na nagkakahalaga ng P825.382 milyon.

Ito ang isa sa dahilan ngayon kung bakit kaunting ulan lang ay nalulubog na sa baha ang Kalakhang Maynila.

Ang masaklap, ayon sa  COA report ay napipilitang magbayad ng P27 milyon ang pamahalaan bilang penalty dahil sa kabiguang magamit ang inutang na pera na isang malaking pagsasayang sa kabang yaman ng bansa.

Isipin n’yo itatapon natin ang P27 milyon nang gayun-gayun na lamang dahil sa 33 dredging projects ang pinabayaan ng MMDA? 

Ano ang tawag diyan?

Kung hindi kapal ng mukha ay manhid sa hinaing ng taumbayan?

Ilang classrooms na sana ang maitatayo sa P27 milyon.

Ilang milyong piraso ng itlog na ito? Ilang kaban ng bigas, asukal, noodles, gatas at kung anu-ano pang puwedeng kainin ng ating mga mahihirap na kababayan na basta na lang ipinambabayad sa utang na likha ng pabayang opisyales ng pamahalaan?

Nangatwiran si MMDA acting chairman Romando Artes, ngunit kaagad siyang sinupalpal ni Parañaque Rep. Gus Tambunting sa pagsasabing maraming pagkukulang at kapabayaan ang nangyayari  sa naturang ahensiya.

Malinaw aniya sa mandato ng Metro Manila Flood Management Project na kailangang palawakin pa nang husto ang ‘flood management’ upang matugunan ang paulit-ulit na problema ng mawalakang pagbaha sa tuwing sumasapit ang habagat, bagyo at tag-ulan. 

“Fortunately, we have obtained funding from the World Bank and the Asian Infrastructure Investment Bank. However, what’s unfortunate is that even with this level of financial support, the MMDA failed to fully utilize the funds due to delays in project implementation,” ani Tambunting.

“I have read in the newspapers that the MMDA has cited three reasons for these delays: the Covid-19 pandemic, the election ban, and challenges in the procurement process for foreign-assisted projects,” sabi ni Tambunting.

Halos isang taon na aniyang ‘lifted’ ang restriction sa pandemic ng Covid-19 kaya hindi dapat ito gawing katwiran ng tanggapan ni Artes.

“For the election ban, this is a perennial and cyclical issue that should have been foreseen and adequately planned for by the MMDA. Any agency should foresee these restrictions in its project timelines and takes proactive measures to ensure timely implementation, minimizing any disruption caused by the election period,” dagdag ni Tambunting.

“For the procurement guidelines in foreign-assisted projects, there is a need to introduce measures that harmonize the government’s procurement rules with those of major international financial institutions involved in foreign-assisted projects.” 

“As you know, Republic Act 9184 adopts international best practices in public procurement processes. These “international best practices”, of course, are scattered all over the place, and sometimes, our agencies encounter them on a project to project basis depending on the foreign lender’s policies. As a result, the procurement processes in foreign-assisted projects present a challenge for most of our agencies, who are used to the existing general government procurement rules,” wika pa niya.

Anang kongresista, kailangang i-align ng pamahalaan ang ‘procurement rules,’ partikular na ang mga nasa pangunahing ‘international financial institutions’ na sumusuporta sa Pilipinas, tulad ng Asian Development Bank (ADB) at ng  World Bank. 

“This can be achieved by issuing harmonized standard bidding documents and applicable procedures that are acceptable to all parties involved,” sambit pa ni Tambunting.

“As a legislative body, we cannot unilaterally codify a procurement procedure for foreign-assisted projects. To do this, there has to be a strong coordination with and input from these international financial institutions,” paghayag pa nito.

Nabatid na kada taon, umaabot sa P1.2 bilyon ang pondo ng MMDA para lamang sa ‘estero maintenance,’ ngunit maraming naglalabasang ulat na kinukurakot lamang umano ito ng naturang ahensiya, lalo’t talamak ang sistema ng 50% share są komisyon sa bawat proyekto kung saan ay mismong mga namamahala rin umano rito ang nangongontrata. 

Dapat yata gumamit ng sabon na ‘Safeguard’ si Artes para naman marinig niya ang bulong na ‘Ako ang iyong konsensiya!’

Maliban na lang siguro kung tinatalaban pa ng hiya sa taumbayan si Artes!

****

Para sa anumang reaksyon, suhestiyon at sumbong, tumawag o mag-text sa cell phone no. 09157412674.

Leave a comment