Habagat humihina na; Pag-ulan tuloy pa rin — PAGASA

NI MJ SULLIVAN

Unti-unti nang humihina ang epekto ng southwest monsoon o hanging habagat subalit asahan pa rin ang pagkakaroon ng kalat-kalat na pag-ulan sa ilang bahagi ng bansa.

Sa inilabas na weather advisory no. 11 ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), tuluyan nang humina ang epekto ng habagat kung kaya’t maaaring makaranas na maaliwalas na panahon ang malaking bahagi ng bansa.

Ayon pa sa PAGASA, mararanasan din ng maulap na papawirin na may kasamang kalat-kalat na mahinang pag-ulan at pagkulog-pagkidlat sa lalawigan ng Zambales at Bataan sa loob ng 24-oras.

Samantala ngayong araw ay makakaranas ng moderate hanggang sa malakas na pag-ulan na may kasamang pagkulog-pagkidlat at malakas na hangin sa lalawigan ng Quezon sa loob ng 2-oras.

Ganito rin ang mararanasan sa Zambales sa mga bayan ng San Felipe, Cabangan, Botolan, Iba, at Palauig; gayundin sa mga bayan ng Porac, sa Pampanga; Bamban sa Tarlac.

Pinapayuhan ang lahat na mag-ingat dahil sa inaasahang pagkakaroon ng flashfloods at landslides dahil sa mga pag-ulan sa nasabing mga lalawigan.

Leave a comment