Sa pagbabalik ng sesyon: Senado kikilos vs China

Ito atin ito! Ito ang iminumuwestra ni Senate President Juan Miguel Zubiri ang mapa kung saan pag-aari ng Pilipinas ang isla na inaangkin ng China.

Ni NOEL ABUEL

Sinisiguro ni Senate President Juan Miguel Zubiri na sa pagbabalik ng sesyon ng Kongreso ay magpapasa ang Senado ng resolusyon na nananawagan sa pamahalaan na dalhin sa United Nations General Assembly ang usapin ng patuloy ng pagiging agresibo ng China sa pinagtatalunang West Philippine Sea.

Sa pulong balitaan, sinabi ni Zubiri na hindi na katanggap-tanggap ang ginagawa ng China sa WPS na inaangkin ang lahat ng isla dito at pagtataboy sa mga Filipinong mangingisda.

Una nang isinulong ni Senador Risa Hontiveros na dalhin ang usapin sa UNGA ang pagmamatigas ng China na angkinin ang mga isla na sakop ng Pilipinas.

“Ako po ay sumang-ayon sa plano ni Senator Risa Hontiveros na magpasa ng isang resolution asking the government to file a protest at the Hague, sa arbitration ruling of the West Philippine Sea. We should not stop at just the arbitral ruling, but we should also follow up with the Hague on what is actually going on, on the ground, with China,” sabi nito.

“Halos araw-araw ang mga illegal incursions ng China dito sa ating teritoryo. We should present to the UN the repeated incursions and violations of China against the Hague arbitral ruling on the West Philippine Sea. We should show the video and photographic evidence of their creeping invasion towards our country and our neighbors, with their continuous reclamation of territory within our EEZ and areas that are considered international waters, hampering the freedom of navigation,” giit pa ni Zubiri.

Inaasahan aniya nito na sa unang linggo ng pagbabalik ng sesyon sa Senado, agad na isasalang sa plenary ang resolusyon upang pag-usapan at pagdebatehan ng mga senador.

Umaasa umano ito na sasang-ayunan ng lahat ng senador ang resolusyon kung saan 95 porsiyento na umano ng mga senador ang sang-ayon dito.

“By Tuesday, pag-debatehan po natin ‘yan. I’m sure we can get the majority to vote in favor of this resolution,” aniya pa.

Sinabi pa ni Zubiri na bagama’t tama ang ginagawa ng Department of Foreign Affairs (DFA) na maghain ng diplomatic protest laban sa China ay dapat ding kumilos ang Senado para marinig ang labis na pagkagalit ng mga Filipino sa pag-angkin sa mga isla na sakop ng Pilipinas.

Leave a comment