
Ni MJ SULLIVAN
Nabulabog ang Mindanao regin makaraang yanigin ng dalawang malakas na paglindol ilang probinsya nito kagabi, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivocs).
Ayon sa ulat, dakong alas-11:35 ng gabi nang maitala sa richer scale ang magnitude 5. 3 na lindol na ang sentro ay nasa 049 km timog kanluran ng Maitum, Sarangani at may lalim lang na 001 km at tectonic ang origin.
Dahil sa lakas ng paglindol, naitala ang intensity IV sa T’boli, South Cotabato habang intensity III naman sa Maitum at Maasim, Sarangani; Lake Sebu, Norala, at Tupi, South Cotabato; lungsod ng General Santos.
Naramdaman din ang intensity II sa syudad ng Koronadal, Banga, Polomolok, at Tampakan, South Cotabato; Jose Abad Santos, Balut Island sa bayan ng Sarangani, Davao Occidental.
Samantala, sa instrumental intensities, naitala ang intensity IV sa T’boli, South Cotabato; intensity III sa Banga, Norala, Tupi, at Santo Nino, South Cotabato; Esperanza, Isulan, at Kalamansig, Sultan Kudarat; Maitum at Kiamba, Sarangani.
Intensity II sa Don Marcelino, Davao Occidental; Maasim at Malungon, Sarangani; Bagumbayan at Lebak, Sultan Kudarat; Koronadal City, South Cotabato at lungsod ng General Santos at intensity I naman sa President Quirino, Lambayong, at Columbio, Sultan Kudarat; Tampakan, Tantangan, at Polomolok, South Cotabato.
Ayon pa sa Phivolcs, una nang naitala ang magnitude 4.3 na lindol dakong alas-5:57 ng gabi na ang sentro ay nasa 046 km timog kanluran ng Balut Island, sa bayan ng Sarangani, Davao Occidental.
May lalim itong 042 km at tectonic ang origin.
Wala namang naitalang danyos ang dalawang lindol subalit inaasahan naman ang pagkakaroon ng aftershocks sa mga susunod na araw.
