
Ni NOEL ABUEL
Ipinarating ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang pakikidalamhati at pakikiramay sa mga nasawi at nasalanta sa nangyaring pagbaha sa South Korea.
Ayon kay Romualdez ang pakikiramay at pakikisimpatiya nito ay ibinigay kay South Korean Ambassador Lee Sang-hwa na nag-courtesy call sa una sa Manila Golf Club sa Makati City.
“I know that recently there was a flash flood in south korea and I know there are a number of casualties. So, we’d like to condole with the people of South Korea who suffered these losses, these casualties,” sabi ni Speaker Romualdez kay Ambassador Lee.
Ayon kay Romualdez, ang South Korea ay isa sa mga unang bansa na nagpadala ng tulong sa Pilipinas matapos manalasa ang super typhoon Yolanda na tumama sa Leyte at mga karatig lugar at nagresulta sa pagkamatay ng libu-libong tao.
Bagamat magkaiba umano ang South Korea at Pilipinas sa maraming bagay, nagkakapareho umano ang dalawang bansa pagdating sa nararanasang epekto ng climate change.
“We go through these all the time,” sabi ni Speaker Romualdez.
Habang mayroon umanong mga lumikas na South Koreans dahil sa pagbaha, mayroon namang mga Pilipino na inilikas dahil sa pag-aalboroto ng bulkang Mayon.
“I know now that in the Central City of Cheongju in South Korea that there have been torrential rains and flash floods. So again, we condole with the Korean people for the loss of lives, for the injuries, and of course to the evacuees,” dagdag pa ng lider ng Kamara.
Nagpasalamat naman si Ambassador Lee sa pakikiramay at pakikiisa ni Romualdez sa South Korea.
“I highly appreciate your words of condolences and sympathy and solidarity,” sabi ni Ambassador Lee kay Romualdez.
Nauna nang nagpahatid din ng pakikiramay si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa South Korea.
Base sa ulat, 40 na ang nasawi, 34 ang nasugatan at mahigit 10,000 ang inilikas kaugnay ng pagbaha mula noong Hulyo 9.
