BI sa illegal recruiters: “We can detect concealed visas”

Ni NERIO AGUAS

Muling naglabas ng babala ang Bureau of Immigration (BI) sa mga Filipino na huwag maging biktima ng illegal recruiters upang hindi magsisi sa huli.

Ang babala ng BI ay kasunod ng pagkakasabat sa ilang Filipino na biktima ng human trafficking sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Nabatid na nagkunwang magbabakasyon sa Singapore ang isang 19-anyos na babae gamit ang pekeng tourist visa noong Hulyo 16 sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 1.

Nang dumaan sa secondary inspection, natuklasan na ang biktima ay magtatrabaho sa United Arab Emirates (UAE) sa isang club resort.

Samantala, isa pang 26-anyos na Pinay ang naharang din sa paliparan kung saan nagkunwang negosyante ito at dadalo umano sa APEC international conference sa Singapore.

Gayunpaman, sa huli ay inamin ng biktima na ang hawak nitong dokumento ay pawang peke at ibinigay sa kanya sa pamamagitan ng kanyang recruiter sa labas ng airport terminal.

Nakita rin sa pag-iingat ng biktima ang visa nito para sa UAE, kung saan siya ay tinanggap upang magtrabaho a bilang isang waitress.

“Our officers were able to access a system that allows us to verify certain concealed visas. In this modern day and age, the old modus of hiding sheets of folded visas can now be detected. Our kababayans are warned not to agree to this illegal practice, which only puts them at risk of exploitation,” ayon sa BI.

Kapwa dinala na sa Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) ang kaso ng dalawang biktima upang makasuhan ang kanilang mga recruiters.

Leave a comment