Bagyong Egay pumasok na sa PAR

NI MJ SULLIVAN

Tuluyan nang naging bagyo ang low pressure area na binabantayan ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Sa inilabas na weather bulletin ng PAGASA, pumasok na sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang tropical depression Egay sa layong 900 km silangan ng Southeastern Luzon na inaasahang magdadala ng malakas na pag-ulan.

Taglay nito ang lakas na hangin na 55 km/h malapit sa gitna at may masungit na hangin sa 70 km/h at central pressure na 1004hPa at kumikilos ito ng dahan-dahan sa hilaga hilagang kanluran.

Samantala, uulanin ang Catanduanes at Northen Samar mula araw ng Linggo hanggang Lunes ng umaga.

Habang ang mga lugar na hindi maapektuhan ng bagyong Egay, makakaranas na monsoon rains na paiigtingin ng hanging habagat kabilang ang katimugang bahagi ng MIMAROPA at Visayas.

Sa araw ng Lunes at Martes, asahan ang pagkakaroon ng monsoon rains katimugang bahagi ng Southern Luzon at Western Visayas at magdudulot ng pagbaha at pagguho ng lupa partikular sa mababang lugar.

Ayon pa sa PAGASA, ang bagyong Egay ay inaasahang sa loob ng 12 oras ay magiging tropical storm at posibleng umabot sa pagiging Super Typhoon category sa araw ng Lunes at Martes bago kumilos sa Philippine Sea sa silangan ng Luzon.

Leave a comment