Pagbuhos ng investment pledges, pagpapakita ng kumpiyansa sa ekonomiya ng Pilipinas at polisiya ni PBBM – Speaker Romualdez

NI NOEL ABUEL

Nanindigan si Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez na ang pagbuhos ng investment pledges sa unang bahagi pa lamang ng 2023 ay patunay sa potensyal ng ekonomiya ng bansa at pagkilala sa polisiyang inilatag ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr.

Base sa mga ulat, naging triple pa ang naaprubahang investments sa unang bahagi ng ng taon, para sa mga ito ay mula sa ibang bansa.

Ayon sa Board of Investments (BOI), ang P698 billion investments na ito ay 203 porsyentong mas mataas kaysa sa P230 billyon noong nakaraang taon.

“It is a clear vote of confidence in the Philippine economy’s potential and prospects and affirms the soundness of the economic and fiscal policies of President Bongbong Marcos geared towards the attainment of his vision to bring our country to upper-middle income status by 2025,” sabi ni Speaker Romualdez.

“Likewise, this development signals that the world is responding positively to the President’s vigorous campaign to promote the Philippines as a prime destination for investment and a recognition of our steadfast pursuit of sustainable and inclusive growth,” dagdag ng pa ng opisyal.

Tinukoy rin nito ang pahayag ni Trade Secretary Alfredo Pascual na magiging premier investment destination ng Asya ang Pilipinas.

Kailangan naman ani Romualdez na samantalahin ng gobyerno ang positive momentum na ito upang tunay na magresulta sa aktwal na pamumuhunan at mapakinabangan ng mga Pilipino ang bunga.

“We must continue to work hand in hand with the private sector to create an enabling environment that fosters job creation, economic diversification, and innovation,” saad ni Romualdez

Muling tiniyak ni Romualdez na tututukan ng Kamara ang mga panukala na magsasakatuparan sa hangarin ng Pangulo na mapaangat ang ekonomiya ng bansa, mapababa ang presyo ng batayang bilihin at pataasin ang purchasing power ng bawat Pilipino.

Una na nitong siniguro na sa pagsisimula ng 2nd regular session ng 19th Congress mabilis aaksyunan ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang bagong mga priority bills na napagkasunduan sa Legislative Executive Development Advisory Council (LEDAC) at pagtitibayin bago matapos ang taon.

Sa pagtatapos ng 1st regular session ng 19th Congress, 33 mula sa 42 priority measures ng Marcos administration na ang napagtibay ng Kamara.

“It is through collaborative efforts between the legislative and executive branches that we can solidify the Philippines’ position as a preferred investment destination in the region,” diin ng House leader.

Sa ulat pa ng BOI, ang 155 na proyekto bahagi ng investment pledges ay 43 porsiyentong mas mataas kumpara sa 106 na proyekto mula Enero hanggang Hunyo 2022.

Sinasabing sa sandaling maisakatuparan ito, 29,964 na karagdagang trabaho ang malilikha, o 96 porsiyentong mas mataas kumpara noong nakaraang taon.

Nabatid na P393 bilyon ang ipinangakong investment ng German companies na sinundan ng Singapore (P16.8 billion), ng Netherlands (P3.57 billion), France (P2.04 billion) at United States (P1.9 billion).

Ang Western Visayas (Region 6) ang pinakamakikinabang mula sa inaasahang P306 bilyon na ilalaang investments na sinusundan ng Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon (CALABARZON) na may P164 milyon, Ilocos (P55.5 billion), Central Luzon (P28.7 billion) at Metro Manila (P25.6 billion).

Higit sa tatlo sa apat na bahagi o katumbas ng 76.83 percent, ng investment approvals ay may kinalaman sa renewable energy kung saan 30 dito ay solar, habang nagkakahalaga ng P536.5 bilyon ang para sa wind at biomass projects at walo ang patungkol sa information and technology na may halagang P95.5 bilyon.

Kumpiyansa naman ang BOI na sa magandang itinatakbo nito ay makakamit nito ang investment approval target ngayon taon na nagkakahalaga ng P1.5 trillion.

Leave a comment