Prepaid water metering isinulong sa Kamara      

NI NOEL ABUEL

Nanawagan ang isang kongresista sa Metropolitan Water and Sewerage System (MWSS) at sa lahat ng water concessionaires sa buong bansa na mag-alok ng prepaid metering para sa mga mahihirap na pamilya.

“I urge the MWSS, water districts, and water concessionaires nationwide to offer prepaid metering ways of payment for water usage in households of poor, low-income, and infrequent water consumers,” sabi ni Bagong Henerasyon party list Rep. Bernadette Herrera.

Aniya, malaking tulong ang mga electric prepaid metering sa libu-libong mahihirap at kumikita ng mababa kung kaya’t naniniwala itong ang prepaid metering ng water connections ay makakatulong din ng malaki.

“Ang prepaid metering system ay magbubunsod sa mas mainam na pagpapaplano sa bahagi ng consumer. Kung ano lamang ‘yung dami ng tubig na sa tantya niya ay magagamit niya, iyon lamang ang bibilhin niya ng prepaid,” sabi ni Herrera, deputy minority leader.

Sa pamamagitan din aniya ng water metering ay makakaiwas ang mga consumers na magulat sa malaking konsumo nito sa tubig.

“Kaya walang “bill shock,” walang gulatan kasi wala nang monthly bill. Matutulungan nating magtipid ng pera at tubig ang mga kababayan natin, lalo na ‘yung mga kapos sa budget,” ayon pa sa mambabatas.

“Prepaid metering of water connections will significantly reduce water service interruptions, especially for vulnerable sectors. Another positive effect would be lowering wasted non-revenue water,” dagdag pa ni Herrera.

Leave a comment