
Ni NERIO AGUAS
Arestado ng mga operatiba ng Bureau of Immigration (BI) ang isang Japanese national na wanted sa bansa nito sa kasong pagnanakaw.
Kinilala ang nadakip na dayuhan ng mga tauhan ng fugitive search unit (FSU) na si Takeuchi Kazuo, 54-anyos, sa kahabaan ng Roxas Boulevard sa Maynila.
Nabatid na armado ng mission order, nagsagawa ng operasyon ang FSU base na rin sa arrest warrant na inilabas ng Sage Summary Court of Japan laban kay Takeuchi, na wanted sa kasong robbery resulting in bodily injury at theft.
Abril ng taong kasalukuyan nang iparating ng Japanese government informed sa BI na nagtatago sa bansa si Takeuchi para takasan ang kaso nito.
Nang matanggap ng BI ang impormasyon, agad na nagsagawa ng manhunt ang BI FSU para mahanap at madakip ang pugante.
Nahaharap si Takeuchi sa summary deportation order at mananatili sa pasilidad ng BI sa Bicutan, Taguig habang nakabinbin ang kanyang deportasyon.
