PBBM pinasalamatan sa infra project sa Cebu

Pier 88

Ni NOEL ABUEL

Nagpasalamat si Cebu 5th district Rep. Vincent Franco “Duke” Frasco kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na kasama sa tinukoy nitong mahalagang infrastructure projects ang Liloan smart port, Pier 88 sa kanyang ikalawang state-of-the-nation-address (SONA).

Ayon kay Frasco, malaking bagay na matupad ang nasabing proyekto para makapagbigay ng dagdag na trabaho at makatulong sa ekonomiya.

”I am also happy that our Liloan smart port, Pier 88 has been mentioned as one of the notable projects that is contributing to infrastructure development and paving way for economic progress,” aniya.

Kasabay nito, pinuri ng kongresista si Pangulong Marcos sa maganda at matagumpay na programa sa bansa noong nakaraang taon

“Tunay nga, ang mga nagawa at tagumpay na natamo ng kanyang administrasyon noong nakaraang taon ay nagbigay-katiyakan sa atin, sa kanyang pangunahing layunin at adhikain na iangat ang buhay ng bawat Pilipino at bumuo ng isang ‘Bagong Pilipinas’,” sabi pa nito.

“I express my sincerest gratitude to our President for recognizing the hardwork and dedication of each and every Filipino, especially the workforce — our farmers, our private partners, our government officials, school teachers, and health workers. Let us all continue to LOVE the Philippines,” pahayag pa ni Frasco.

Leave a comment