PBBM pinuri sa utos sa Kongreso na ipasa ang DWR

Rep. Bernadette Herrera

Ni NOEL ABUEL

Nagpahayag ng pasasalamat si House Deputy Minority Leader at Bagong Henerasyon party list Rep. Bernadette Herrera kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa muling paghiling sa Kongreso na ipasa ang panukalang batas na bubuo sa Department of Water Resources (DWR) sa kanyang ikalawang State of the Nation Address (SONA).

“We are ecstatic that the President mentioned as a priority the creation of the Department of Water, which is a bill that I have filed since the 15th Congress,” sabi ng kongresista.

“We thank the President for renewing his commitment to establishing a department dedicated to water resource management, and we will continue to work closely with his administration so he can fully deliver on his commitment,” dagdag pa ni Herrera.

Umaasa si Herrera sa Pangulo na gagawa ng panibagong pagtatangka para sa DWR sa kanyang ikalawang SONA, na nagsabing ang paglikha nito ay hindi kailanman naging mas mahalaga at apurahan sa gitna ng lumalaking krisis sa tubig.

At sa kanyang SONA, binanggit ni Pangulong Marcos na ang kanyang administrasyon ay patuloy na makikipag-ugnayan sa Kongreso upang maipasa ang panukalang batas na lilikha ng water resource department na siyang aatasan na magpatupad ng kinakailangang patakaran at mga reporma sa mapagkukunan hinggil sa pamamahala ng lahat ng water resources kabilang ang irigasyon, kanal at kalinisan.

Matatandaan na noong Hulyo 2022, inihain ni Herrera ang House Bill (HB) 1013 na naglalayong lumikha ng DWR, kasama ang HB 1014 na naglalayong itatag ang Water Regulatory Commission (WRC) na siyang mangangasiwa sa pagsasaayos ng mga serbisyo ng tubig sa bansa.

Paliwanag pa ni Herrera na ang kanyang kambal na hakbang ay makakatulong sa bansa na makamit ang universal access sa ligtas, sapat, abot-kaya at napapanatiling serbisyo ng tubig at kalinisan para sa lahat ng Pilipino.

Noong nakaraang Pebrero, ang House Committees on Government Reorganization and on Public Works and Highways ay bumuo ng isang technical working group para pagsama-samahin ang ilang hakbang sa paglikha ng DWR at WRC, kabilang ang mga inihain ni Herrera

Leave a comment